|
|  |
|
 |
|
ITCHYWORMS - Antipara Album : Unknown
Naglalakad ka sa daan
Nabubunggo kung saan saan
Malabo ang iyong mata
Kailangang mag-antipara
[Pre-chorus:]
Kay linaw linaw ng mundo, pinapalabo mo
Sa tulis ng iyong mukha, baka may masugatan ka
[Chorus:]
Wala ka nang makita
Di ka pa mag-antipara
'di halata ang luha
Sa likod ng antipara, antipara
Nagbabasa ka ng libro
Nakadikit na sa noo
Halos kainin mo na 'yan
Hindi mo maintindihan
[Pre-chorus:]
Kay linaw linaw ng mundo, pinapalabo mo
Sa tulis ng iyong mukha, baka may masaktan ka pa
[Chorus:]
Wala ka nang makita
Di ka pa mag-antipara
'di halata ang luha
Sa likod ng antipara, antipara
Huwag kausapin kung di kilala
Papaano mo malalaman
Kung wala kang antipa...ra?
[Pre-chorus:]
Kay linaw linaw ng mundo, pinapalabo mo
Lagi ka pang tumatakbo, mauntog sana ulo mo
[Chorus:]
Wala ka nang makita
Di ka pa mag-antipara
'di halata ang luha
Sa likod ng antipara, antipara
|
|
|